Sila na mga mas higit
Sila na hindi naiipit
Sila na di sanay sa init
Sila na di makitaan ng pangit
Sila na umabot sa langit
Sila na walang panlasang mapait
Sila na di kalait lait
Sila na hindi tinatablan ng sakit
Sila na may pisikal na kaakit akit
Sila na nagkaroon ng mga hindi mo nakamit
Ikaw na nagmamasid
walang inggit na bahid
Hindi ka nag tanong kung bakit
nagbigay ng walang kapalit
Ikaw na nagparaya
Namahagi ng ligaya
Ikaw na bumibilib
Sa mga mahihina ang dibdib
Ikaw na umuunawa
Umiintinde at nagpapasensya
kada lilitaw silang mga iniwan ng konsenya
Silang ayaw magpalamang
Mahilig magbilang
Laging may bago pero daing padin ay kulang
Ikaw na may mababaw na kaligayahan
Malalim ang iyong katauhan
Sa pagdayon ng iyong kamalayan
Ikalat mo ang kayamanan
Na para sayo ay pagmamahalan
No comments:
Post a Comment