Saturday, December 28, 2013
Ma-ri-wa-na
Masaya masarap swabe
Walang katulad pambihira ibang klase
Biglang gaan hangang umangat
Idea sa utak biglang nagkalat
Galit at lungkot ay di mo kilala
Burahin sa alaala pansamantala
Bagsak matang nakasakay sa ulap
Nakangiting pumapasyal sa alapaal
Friday, December 27, 2013
Tuloy lang
Tuliro kabado napapraning
Sa likod ng ngiti nalang nililihim
Tumatakas lumilipad upang iwanan
Suliranin bumabalot saking katauhan
Apoy ang laruan usok ang libangan
Katawang madumi hindi ko malibagan
Nalulugmok sa takot
Di makagising sa bangungot
Hindi ko maayos kahit anong kalikot
Sarili kong mundo tinamaan ng unos
Sanhi ng libidong aking nilubos
Tuesday, December 10, 2013
Hibang sa kaguluhan
Newer Posts
Older Posts
Home
Subscribe to:
Posts (Atom)