Monday, July 10, 2017

Sariwain ang bulok

lokohang palihim ang laman imahe
na siyang umaani ng samutsaring papuri
bida sa istoryang papansin lang ang tema
mga ampaw na pagkataong binihisan ng pera
hubad na katotohanan kitang kita sa mata
sagad hangang balat ang ipinakita sa lahat
manipuladong imahe nitong sakdal dilag
epidemyang nagkalat na sa marami'y bumulag
para sa kumakalam nilang sariling kayabangan
ang ipangalandakan ang hapag sa kanila ay kailangan
lihim na sangkap na mag dudulot ng inggit
sa taong nag laway na may buhay na mapait
itim sa likod nitong kulturang kolonyal
ay ang pagdilim ng budhi kapag nagtagal
walang kabusugan ang diwang makasarili
kapag sinariwa ang bulok na pag uugali
bakasyonistang makakalat 
negosyanteng kumalbo ng gubat
sa pag pasok ng tag-ulan
wag ka ng magugulat
Ang kwentong iyong kwinento
Na kwento natin ay kwento mo lang,
Sa isang kwentong
interesado silang pagkwentuhan
'Silang may dilang matamis, kung paniwalaan mabilis'

Akala

Mga lumang alala na tumatambay sa akin isipan
parang sakit na lumalala na dapat kong lunasan
Mga tanong na walang sagot ang tanging mong iniwan
sa kwentong di natapos dahil sa pagbuhos ng mga dahilan
Sa pag atras ng iyong mga paa may kutob akong nakita
na baka ang storyang binubuo ay biglaan nalang masira
Blankong nakalutang doon ilalim ng binasag mong damdamin
at hindi mo makilala itong taong nakita sa kaharap mong salamin

Salingketket

Sa panahong may mga ganap na di mo inaasahan
Dulot ng prinsipyo't ibat ibang paninidigan
Lahat damay damay sa bawat panig na gantihan
Sa kanilang mga gigil sa gatilyot barilan
Bilangan ng tutumba para sa bawat puntos nila
At tayo ang salingketket sa gerang nilalaro nila

Wednesday, February 26, 2014

Sa loob ng pusang itim

Nilalasing ako ng iyong mga cariƱo
Sa piling mo parang malamig na impyerno
Hindi ko makilala ang sarili ko
Hindi ko malaman ang gagawin ko
 
Maghahalo ang lahat sa utak mo
Hindi mo magagawa ang mga pinaplano mo
Kakainin ka ng iyong mga nadarama
Natatakot ka na itoy maging ala-ala